Chorus:

Kumilos, kumilos para sa pagbabago
Pagtapos babawas din kahit papano
Kumilos, kumilos para sa pagbabago
Pagtapos babawas din kahit papano
Tulungan mo kaming imulat ang kamalayan
Samahan mo kaming ayosin ang paligid ng
Merong pagmamahal, maypag tutulongan
Ito ang buhay ng mga dakilang nilalang

Intro:

Lagosan nahanap papuntang alapaap
Kailangan maagap kilosan ang pangarap
Alam mo naman hindi lang yan abot ng kamalayan
Kapag hidwaan ay winakasan umpisa nato ng kaalaman
Tagos tagosan ang pinagdaanan
Upang marating ko lang ang tuktok
Sa sobrang layo diko namalayan
Tanaw ko nalang pala ay tuldok
Ang tuwang himig sa kakahoyan
Puro pagibig lang ang tulungan
Dimagsasawa na ipaulan
Sa buong bayan ang karanasan

Konektado lahat ng tao
Tayo lang din ang haharang sa sarado
Talo talo walang bago
Halo halo alipin ng ibang tao
Kanya kanyang gawa para may mapala
Madaling madala sa mga salita
Mabuti’t masama ikaw ang tatakda
Sa takdang panahon lakad ka pawala sa sala

Chorus:

Kumilos, kumilos para sa pagbabago
Pagtapos babawas din kahit papano
Kumilos, kumilos para sa pagbabago
Pagtapos babawas din kahit papano
Tulungan mo kaming imulat ang kamalayan
Samahan mo kaming ayosin ang paligid ng
Merong pagmamahal, maypag tutulongan
Ito ang buhay ng mga dakilang nilalang

Second Verse:

Nakasasawa rin na poro banggaan
Tayo magkadugo bakit naglalaban
Tayo magkadugo bakit naglalaban
Kapayapaan na gustong may digmaan
Bakit galit ang laman ng iyong isipan
Tumingin sa paligid magmasid
Kongkreto na gubat kami ang yayanig
Sa kapayapaan lahat tayo panig
Nawa mga gulo hindi na manaig

Sama sama sa pagkahubog
At kapitbisig na natuto
Lumalaya di na tutulog
At ng gumusing kilos hanggang dulo
Di nasaklaw ng lason sa isip at ng katawan
Dimo malaya pangkalawakan
Tunog pag ibig pangkalahatan

Dinag sasayang binuhos ang oras sa kamalayan
Inuna sarili sa sobrang gaan
Kalmado palagi sa aking daan

Kumilos, padayon mag ikot sa nayon
Maglakbay maghapon lagpasan ang hamon
Ang galit itapon isilid sa kahon
Babain sa balon ang pagkakataon
Pagmasdan mo kapaligiran
Tila mundo na ng kasakiman
Huwag mag pakain sa kasoklaman
Huwag maging isa sa mga pangit mong nasaksihan
Lakad paabante bawat hakbang pasulong
Kung bigat ga elepante sa taas ka dumulo
Pwede pakampanti basta tunay na hubog
Di ang diyos kundi sarili mo lang pala ay tulog

Chorus:

Kumilos, kumilos para sa pagbabago
Pagtapos babawas din kahit papano
Kumilos, kumilos para sa pagbabago
Pagtapos babawas din kahit papano
Tulungan mo kaming imulat ang kamalayan
Samahan mo kaming ayosin ang paligid ng
Merong pagmamahal, maypag tutulongan
Ito ang buhay ng mga dakilang nilalang

1096 Gang - Kumilos