FLORANTE LYRICS

“Abakada Song”

A-Ba-Ka-Da
E-Ga-Ha-I-La
Ma-Na-Nga-O-Pa
Ra-Sa-Ta-U-Wa-Ya

A – Ang mag-aral ay gintong tunay

Ba – Bagay na dapat pagsikapan

Ka – Karunungan ay kailangan lang

Da – Dunong ay gamot sa kamangmangan

E – Ewan ang sagot kapag hindi alam

Ga – Gaga’t gago ay yaong mga hangal

Ha – Hahayaan bang ikay magkagayon

I – Iwasan mo habang may pagkakataon

La – Labis-labis ang mapapala

Ma – Magsikhay ka lang sa pag-aaral

Na – Nasa guro ang wastong landas

Nga – Ngayoy sikapin mong ito ang mabagtas

O – Oras na upang ikaw ay magising

Pa – Pansinin mo ang dako na madilim

Ra – Rehas ng mga tanong ay sagutin

Sa – Sabihin mong ikaw ay may alam na rin

Ta – Tatalino ang bawat isa

U – Unawain lang at turuan

Wa – Wiwikain ang Abakada

Ya – Yaman at gabay sa kaunlaran

Facebook Comments

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here