Sa isang iglap mga ngiti’y natakpan
Mahigpit na yakap, kailangang pakawalan
Dumaan ang dilim, napuno ng bituin
Sa iyong lilim, pag-ibig mas nagningning

Hinahanap ang kahapon sa panibagong ngayon
Marami ang nagbago, ngunit ‘di ang pagmamahal mo

Ngayong pasko, magdiriwang ang mundo
Sa pag-ibig mo’y may himala, may panibagong simula
Ngayong pasko, babalik ang saya
Dahil ikaw ang liwanag at ligaya

Ikaw lang, ikaw lang
Ikaw ang liwanag at ligaya
Ikaw lang, ikaw lang
Ikaw ang liwanag at ligaya

Kami ay may lakas, na harapin ang bukas
Ikaw ang gabay sa bawat landas
Gawin kaming liwanag para sa isa’t isa
Pag-asang sumisinag sa pamilya at sa kapwa

Ngayong pasko, magdiriwang ang mundo
Sa pag-ibig mo’y may himala, may panibagong simula
Ngayong pasko, babalik ang saya
Dahil ikaw ang liwanag at ligaya

Ikaw lang, ikaw lang
Ikaw ang liwanag at ligaya
Ikaw lang, ikaw lang
Ikaw ang liwanag at ligaya

Sa mahabang gabi tumigil ang mundo
Sa pag-asang dala mo, tuloy ang pasko
Liwanag, ligaya, light, joy
Claridad, Alegria, Kasanag, Kasadya
Lamrag, Kalipay, Sahaya, Kakuyagan
Kahayag, Kalipay, Raniag, Ragsak
Liwawa, Liket, Sigay, Lilini
Liwanag, Kaogmahan, Sulu at ing tula
Kibou, Yorokobi, Illumina, Gioia
YangGuang, XiYue, Lumiere, Joie
Bit, Jeulgeoum, Adwaa’, Farah
‘Or’, Osher, Luz, Alegria

Liwanag at ligaya nagmumula sa’yo
Ikakalat sa mundo

Ngayong pasko, magdiriwang ang mundo
Sa pag-ibig mo’y may himala, may panibagong simula
Ngayong pasko, babalik ang saya
Dahil ikaw ang liwanag at ligaya

Ngayong pasko, magdiriwang ang mundo
Sa pag-ibig mo’y may himala, may panibagong simula
Ngayong pasko, babalik ang saya
Dahil ikaw ang liwanag at ligaya

Ikaw lang, ikaw lang
Ikaw ang liwanag at ligaya
Ikaw lang, ikaw lang
Ikaw ang liwanag at ligaya
Ikaw lang, ikaw lang
Ikaw ang liwanag at ligaya
Ikaw lang, ikaw lang
Ikaw ang liwanag at ligaya

ABS-CBN Christmas Station ID 2020 - Ikaw Ang Liwanag At Ligaya
ABS-CBN Christmas Station ID 2020 “Ikaw Ang Liwanag At Ligaya” Recording Lyric Video – Via YouTube