Ano ka ba ‘di ka pa rin ba naniniwalang mahal kita
Kahit libutin mo man ang buong mundo ay ikaw lang at wala ng iba
Peksman mamatay man sila, tayo lamang dalawa
Ang magsasama kaya ‘wag ka na diyan magduda-duda pa
Madami lang chismis sa akin na ‘di naman talaga totoo
Ang ganda ng misis ko kaya paano ako mambababae oh
‘Wag ka na ngang magdidikit-dikit kung kanikanino
Sa mga nagsasabi diyan ‘di po ako babaero

‘Di ako babaero ako’y sa’yo lang
Mula ng makilala ka ‘di na ko ganiyan
Puro lang imbento yung nagsabi niyan
‘Wag kang maniwala dahil tayo ay walang iwanan

Huwag ka nang maniniwala sa mga sinasabi ng iba ako’y sa’yo lang
Kasi nung nakilala kita lahat nagbago na sa akin ikaw ang dahilan
Hinihiling ko lang naman ay sana’y balang araw ay ‘wag ka nang maghinala pa
Gusto ko lang na tayo’y masaya wala nang halong duda kasi ikaw lang at wala nang iba

‘Di ako babaero ako’y sa’yo lang
Mula ng makilala ka ‘di na ko ganiyan
Puro lang imbento yung nagsabi niyan
‘Wag kang maniwala dahil tayo ay walang iwanan

Akala siguro na malandi na kasi laging malikot ang mata
Pero magmula ng ika’y makita ‘di na muling tumingin sa iba
Asahan mong ‘di ka nagkamali, pangakong sa’yo lang ‘to tatabi
Kahit marami man diyang naninira sa akin hindi ‘to padadaig
Meron na namang nakita sa story ko, nagduda agad edi sorry po
Wala naman na kong ibang tinatago sa’yo, tigil mo pag-woworry mo
Alam mo naman na mahal kita kahit kailan ‘di magbabago
Palagyan man natin ito ng pusta taya kasama pati pato

‘Di ako babaero ako’y sa’yo lang
Mula ng makilala ka ‘di na ko ganiyan
Puro lang imbento yung nagsabi niyan
‘Wag kang maniwala dahil tayo ay walang iwanan

Bakit palaging mainit ang ulo mo sa’kin sa tuwing yumayakap sa’yo
Alam mo na ikaw ang pipiliin ko kahit palaging sinasaktan mo
‘Di naman ako ganon, iba pa ako noon
At binago mo ngayon ‘di ba ikaw ang dahilan
Kaya ‘wag kang maniwala sa sinasabi ng iba kasi di ako ganyan
Lagi-lagi mo na lang ako na pinaghihinalaan
Galit ka ba o masaya hindi ko mahulaan

‘Di ako babaero ako’y sa’yo lang
Mula ng makilala ka ‘di na ko ganiyan
Puro lang imbento yung nagsabi niyan
‘Wag kang maniwala dahil tayo ay walang iwanan

‘Di ako babaero ako’y sa’yo lang
Mula ng makilala ka ‘di na ko ganiyan
Puro lang imbento yung nagsabi niyan
‘Wag kang maniwala dahil tayo ay walang iwanan

ALLMOST-Babaero
ALLMO$T – Babaero – PAKBOYS: Takusa Soundtrack