Kung lilisan ka rin naman, sana’y iyong inagahan
Para hindi ganito kadurog ngayon ang puso ko
Hindi ka rin naman multo, pero ba’t biglang naging abo
Ang pakikitungo mo sa relasyong ating nabuo?

‘Di mo pala kaya pero ba’t dumating ka pa?
‘Di mo pala kaya pero ako’y pinagmalaki mo sa iba
‘Di mo pala kaya pero tinawag mo kong mahal
‘Di mo pala kaya pero sabi mo ako’y iyong pinagdasal

Tatanggapin na lang ba?
Na ako’y iyong pansamantala?
Itong kantang ito…
Ay para sa’yo
Para malaman mo
Ang sakit na natamo
Parang bula
Nung ika’y nawala
Pero ito ang tandaan mo
Hindi ka kawalan
Hindi ka kawalan

Angela Ken - Duwag
Angela Ken – Duwag