Nakatingin sa kalawakan
Mga mata ay nasa tala
Sa lupa na nilalakaran
Sino nga bang mag-aakala?

Nagmula sa ilalim, umahon at nanalangin
Na kahit na alanganin, sana naman mapasakin
Minimithi ko’t hangarin, ang pamilya mapakain
Munting talentong dalangin, katumbas ng mga kanin
At ulam na maihain, kahit medyo mahiyain
Pinilit ko mikropono at ang kable ay hilahin
Maaari po bang gamitin para sa aking awitin?
Pero sila’y natatawa, natutuwa na laitin
Hindi raw uso ang rap, ano daw ang sasapitin?
Kung di tanggap ng tao aking bawat sasabihin
Itigil ko na raw, sila’y wag nang subukang alukin
Pero pangarap ko ‘to at gusto ko lang na abutin
At napasali sa contest isang pyestahan nung gabing
Nasa San Juan, kung saan unang beses akong naging
“Freestyle King” at napasuntok pa sa dingding
Nang iabot ang isanglibo na tumataginting
Asawa ko ang sumalubong pagdating ko sa amin
Sabay abot ng pera at napangiti ng bilangin
May panghanda na tayo, ako’y naluha ng yakapin
Kase nung araw din yun, kaarawan ng anak naming
Primis Player Placeholder
Nakatingin sa kalawakan
Mga mata ay nasa tala
Sa lupa na nilalakaran
Sino nga bang mag-aakala?

Kapag tinitingnan ko ang mga bakas sa likuran
Sa bawat pintuan na sinubukang hintuan
Na hindi pinagbuksan, itinuloy ko lang ang lakad
Pursigido ang sarili na dapat gawin ko yan
Nakipagsapalaran, lagi pang may paraan
Kahit minsan may pasan ko, langit ang nakadagan
Bawat santo na alam ay aking dinadasalan
Di sumuko, di tumukod, nakapila sa daan
Kahit na itong sapatos eh butas ay kakayanin
Na lakarin, tahakin, bahala na kung papalarin
Walong libong kilometrong agwat mula dun sa amin
Nandito ko sa bansa na mas marami ang buhangin
Para lang sa pamilya, ako’y hindi padadaig
Tinitiis ko ang inip, at ang lungkot pati lamig
Nitong gabi na mag-isa, ang luha ko walang patid
Pero di dapat indahin, gusto ko lang ipabatid
Na pangarap at inspirasyon ang lagi kong rason
Kung bakit buhay pa rin, humihinga hanggang ngayon
Bigla akong pinauwi, ewan ko ba’t nagkaganon
Yun pala ay may naghihintay na pagkakataon
At ito yon
Nakatingin sa kalawakan
Mga mata ay nasa tala
Sa lupa na nilalakaran
Sino nga bang mag-aakala?

Yung nakikita mo sa TV pati sa social media
Sinong nag-aakala na dati umuuwi sya
Na walang pamasahe, binabaybay ang Avenida
Para lamang tipirin ang kakarampot nyang kinikita
Yung nakikita mo ngayong pinapalakpakan
Ay nakaranas matulog habang pinapapak pa yan
Ng lamok at puro kamot ang kumakalam na tiyan
At may anak sya sa tabing kinakailangan paypayan
Yung nakikita mo ngayon sa dyaryo at sa magazine
Yung bata na dati ay nag-uulam ng asin
Yung napakinggan mo sa radio ng interview-hin
Ordinary lang syang tao at sya ay tulad mo rin
Yung nakikita mong tumatanggap na ng plake
Ay minsan din sa buhay nya, sya ay naiisantabe
Dati wala silang pake, kasi walang bumibile
Sa mga awit subalit pinilit nyang magpursige
At yung nakikita mo sa itaas ng entablado
Ay dati na rin syang hindi pinapansin ng tao
Kasi daw ay mukhang gago, basura kung i-trato
Ngayon madami nang nagpapakuha ng litrato
Ang ibig ko lang sabihin, hindi lagi sa baba
Kakayanin magawa, kung dadaanin sa tyaga
Sige mangarap ka ng mataas, nakakalula
Basta ang mga paa, nakasayad lagi sa lupa

dello
Alaric Riam Yuson