Sino ang syang mag aakala na isang batang binangonan
Sumasampa ng entablado
at pinag tatawanan

Dahil mahilig syang tumula
Nakatingala nanga ngarap ng gising
Kailan may di nawalan ng pag asa na darating din ang araw na siya ay sisikat din

Kahit na Malayo
Sumama ka
Kahit sa Malayo
Kasama ka
Hanggang sa makauwi

Ang nais ko lamang naman gawin ay sumulat ng mga salita at ipadinig sa iba

Kahit lahat ng mga bintana at mga pintuan ay paulit ulit na sinasara

Sayong mukha
Mapalad ka pag sinabihan ka walang papupuntahan

Madaling mababali ang ganyang mga pahayag isipin mo
Kahit maka isang hakbang ka lang

Hook:
Kahit na Malayo
Sumama ka
Kahit sa Malayo
Kasama ka

Hanggang sa makauwi

Rap:
Dati rati sa tabi tabi lamang bumibitaw
Lahat hahainan kahit aminado pa na hilaw
Loob na mas malakas sa sigaw ng mga batingaw
Susuungin ang lahat kahit magkaligaw ligaw

Dati rati ang bayad na hinihintay lang ay tsansa upang makahawak ng mikroponong malansa

Para makilala nakahandang dumaan sa
butas ng karayom o ilalim man ng plantsa

Byahe na nag simula sa pag sakay ng jeep trisikel pedicab o sa bus na masikip

Ang tingin sayo ng ilan sadyang napaka liit
Kaso akoy parang bata sadyang napaka kulit

Hahabulin ang pangarap kahit gano pa katulin
Bawat duloy ibubuhol ilang beses mang putulin

Susunugin ang kilay lahat ng oras gugugulin
Hanggang sa matandaan pangalan kahit di ulitin

Sino ang syang mag aakala na isang batang binangonan
Sumasampa ng entablado
at pinag tatawanan

Dahil mahilig syang tumula
Nakatingala nangangarap ng gising
Kailan may di nawalan ng pag asa na darating din ang araw na siya ay sisikat din

Kahit na Malayo
Sumama ka
Kahit sa Malayo
Kasama ka

Hanggang sa makauwi

Gloc-9 - Kahit Malayo