I
Bat gumising ka
Teka tila yata nababalisa
Kaya bumangon ka
Kahit na nag hihilik pa ang iba

San ka pupunta
Buksan ang ilaw baka ka madapa
Sana meron pa
Tingnan mo don sa kusina sa baba

Chorus
Gusto ko ng canton
Gusto kong canton yung spicy
Gusto ko ng canton
At tinapay na ang tawag ay tasty

Gusto kong canton
Sana meron pa para medyo lucky
Gusto ko ng canton
Penge ng canton

Itaas ang kamay ng mga nag uulam ng pancit
Kahit bahaw basta canton ay bagong luto at mainit

RAP
Sindihan ang Kalan lakasan mo
Wag mahina
Para di mainit buksan ang bintana sa kusina

Madali lang lutuin di mo kailangang paalila
Paborito mula sa probinsya hanggang sa maynila

Isalang mo ang tubig intayin mong kumulo
Ilagay ang noodles pero di dapat lutong luto

Gumamit ka ng gunting para di tulo tulo
Upang di tumapon isandal mo ng naka tayo

Tapos Salain mo ang tubig teka huwag naman lahat
Itapon ang pinag balutan pare huwag kang mag kalat

Ubod ng sarap malinamnam at maalat alat
Haluin ng mabuti tara na ayain ang lahat

Kanin tasty o sa monay bagong lutong pandesal
Ulam man o palaman
Siguradong di mag tatagal

Ingat baka mabulunan
Para kang nasasakal
Sinong pinaka masibang matakaw na pusakal

Gloc-9 - Kantang Canton
Image via Google: Gloc-9 – Kantang Canton