Pwede Ba Kitang
Kilalanin
Haranahin
At Suyuin

Sa Iyong Ganda Ako Ay Nabighani
Pagtingin Sa Iyong Mata
Buong Mundo Ko’y Tumigil

Mula Nang Ika’y Masulyapan
Di Na Malimutan Ang

Ang Iyong Ngiti
Ang Iyong Pisngi
Ang Lambot Ng Iyong Labi
Laging Minimithi
Laging Iniisip
Ikaw Lamang Ang Nais
Makatabi
Pag Iyong Kamay Ay Nahahawakan
Puso’y Sumisigaw
Oh, Mahal Na Yata Kita

Wala Na Akong Ibang Hangad
Pangarap Lamang Ang

Ang Iyong Ngiti
Ang Iyong Pisngi
Ang Lambot Ng Iyong Labi
Laging Minimithi
Laging Iniisip
Ikaw Lamang Ang Nais
Makatabi

Abot-Kamay Na Ang Langit
Kapag Ikaw Ang Aking Kapiling
Sa Bagyo Ng Aking Daigdig
Ikaw Ang Bahaghari

Ian Pangilinan
Ian Pangilinan – Katabi