Umuwi ka na may araw na
Iwanan mo na lamang bukas ang pintuan
‘Di mo kailangan sa ki’y magpaalam
Umuwi ka na sa piling niya

Umuwi ka na bibitaw na nga
Talikuran na natin may oras pa
Patawad at ‘di mabibigay pag-ibig mong hanap
Kaya’t umuwi ka na sa piling niya

Hayaan mong sa iyo’y lumayo
Dahil ‘di ‘di ako ang bubuo sa iyong mundo
Hayaan mong ika’y palayain ko

Umuwi ka na mahal ka niya
Hanggang dito na lamang tayong dal’wa
Sapat na sa akin minsan kang kapiling
Umuwi ka na kung sa’n ika’y liligaya

Umuwi ka na sa piling niya