Pricetagg-Kontrabida-lyrics

“Kontrabida”
(feat. CLR)

Sobrang totoo tingin nyo sakin
Kontrabida kasi ang dami na nilang pabida
Mali lang ang napapansin mga
Purista pagkatao ay tinago kala mo artista
Di ako nakinig yeah di ako naniwala
Sa mga utak talangkang mabababa
Hindi nabahala sa sarili may tiwala

Hindi to praning tama ang hinala
Hanggat may araw na sisikat kikislap ako na parang tala
Kung anong mali yung lagi ang napupuna
Basa ko nang lahat kaya ako’y natuto na
Ako ay nagmarka di niyo na mabubura
Ang aso’y kakahol pag di ka nila kilala

Classic to magnifico ako ang pipiliin mo kahit mag meenie miney mo

Kakampi ko lang sarili ko walang pake sa kritiko
Kakampi ko lang sarili ko

Sa mga pabida ay mailap hanapin ay
Mahirap wag mo nang tangkain na hamakin
Dahil di mo na to mahahagilap
Sa ibaba hindi bat sa itaas na din ako kumikislap at kumukutitap
Pagpag ng konti sa balikat

Dyos por bida bawal dito ang pabida
Dahil ang tunay na bida rito ay ang kontrabida

Tumingin sa salamin nakita ko sarili
Ko walang pinag iba sa sulat at imahe ko
Kailangan bang pekein to upang magustuhan ninyo
Di baleng maging mura basta may magmahal sayo
Masyadong presko kahit di ako perpekto
Eto ba epekto pag pangalan ko may presyo pagkatao binalutan ko ng peso
Pero di ako bumibili ng respeto

Puro nalang masamang komento kala mo mga henyo pag sila nag imbento
Gupitin mga ulo puro kwentong barbero
Pag ako’y umapoy masusunog ang bumbero
Mawalan ng pag asa kayo ay umaasa
Di ako panadero di ko trip magmasa
Baraha ng kapalaran ako ang bumalasa
Hinusgahan niyo ang libro ng di niyo pa binabasa

Kakampi ko lang sarili ko walang pake sa kritiko
Kakampi ko lang sarili ko walang pake sa kritiko

Sa mga pabida ay mailap hanapin ay mahirap wag mo
Nang tangkain na hamakin dahil di na mo to mahahagilap
Sa ibaba hindi bat sa itaas na din
Ako kumikislap at kumukutitap
Pagpag ng konti sa balikat

Dyos por bida bawal dito ang pabida
Dahil ang tunay na bida rito ay ang kontrabida

We out here killin chillin fussin like a motherfuckin villain

Maraming na akong nakilala na sang tulad mo
Sandamakmak na din sa akin ang sumambulat bro
Nakaengkwentro nakakakwento nakasentro
Lahat ng atensyon sayo kaso puro imbento
Mga sinasabi tungkol sa akin tol alam mo bang mali ka jan
Mag ingat ka baka bukas tamaan ka nalang sa
Iyong sentido di mo naman din ginagamit yan
Wag magpakahibang wag mag asta na guro
Wala kang magogoyo dito peke ang iyong turo
Kahit magpakatiwakal ka pa di mo ako masusuyo
Akong paquito sa mundong fernandoe poe mamamatay ka lang sa
Kakaisip mo maangatan ako sa pag arte sa harapan ng entablado
Walang multong manunulat na lumalapat dito sa akin kwaderno