VERSE 1
Naririnig ang himig ng mga anghel
Sabay sa ihip ng malamig na hangin
Kumukutitap ang mga bituin
Parang sinasabing Pasko’y padating

PRE CHORUS
Simpleng saya, bagong pag-asa
Basta’t tayo’y magkakasama

CHORUS
Ano ba sa’tin ang Pasko?
Panahon nang pagmamahalan
Ano ba sa’tin ang Pasko?
Panahon nang pagbibigayan
Simpleng saya, bagong pag-asa
Basta’t tayo’y magkakasama

VERSE 2
Nagsawa na sa ingay ng paligid
Naging manhid na sa malamig na hangin
‘Di makita ang liwanag ng bituin
Pagdating ng Pasko’y ‘di na pansin

PRE CHORUS
Simpleng saya, bagong pag-asa
Basta’t tayo’y magkakasama

CHORUS
Ano ba sa’tin ang Pasko?
Panahon nang pagmamahalan
Ano ba sa’tin ang Pasko?
Panahon nang pagbibigayan
Simpleng saya, bagong pag-asa
Basta’t tayo’y magkakasama

BRIDGE
Halina’t magsaya
Limutin, lungkot at problema
Umawit at isigaw mo
Ang pagsilang ng Tagapagligtas

CHORUS
Ano ba sa’tin ang Pasko?
Panahon nang pagmamahalan
Ano ba sa’tin ang Pasko?
Panahon nang pagbibigayan
Simpleng saya, bagong pag-asa
Basta’t tayo’y magkakasama

Magnus Haven - NOEL
Credit: YouTube / Magnus Haven – NOEL (Official Music Video)