LIRAH Feat. Bosx1ne and Flow G - Mahal Mo Rin Ba Ako?

Puso ko’y kumakaba
Sa tuwing ika’y nakikita
Lumapit ka nakangiti
Puso ko’y biglang sumikip

Pilit kong tinatanggal ka sa isip
Pero ikaw pa rin ang nasa panaginip

Di ko alam kung bakit ganito
Ikaw parati ang laman ng puso ko
Di ko alam kung bakit nagtatanong
Nahihirapan ang isip at nalilito
Mahal mo rin ba ako?
Na na na…

Tinatanong sa langit kung bakit ba ako sayo’y naakit
Pilit man lumayo at di na lumapit
Pero ba’t sayo’y nahuhulog nang labis
Hindi mo naman binigyan ng motibo man lang
Para lang ay alam ko kung hanggang saan ba
Magpaparamdam hanggang dito na lang
Baka o pwede pa sana’y makaramdam
Dahil pilit kang tinatanggal sa isip ko
Di alam ano ang kahinatnan
Ikaw ang gusto ngayo’t di nagsisisi
Mahal na kita at ikaw ang napili

Di ko alam kung anong kulang pano ko pupunan
Ano pa bang kailangan ko na gawin para mahalin mo ko ng tuluyan oh
Kahit anong paraan oh mabigat o magaan
Gaganapan para di mo masabi na wala kang nararamdaman
Alam mo bang matagal na kong takot kaso baka malagot
Pag tinanong kita di ko nakuha yung hinahanap na sagot
At baka di ko kayanin pag nangyari yung masama na kutob
Ay mas lalong lumalim ang sugat sa aking damdamin ikaw ang makakagamot
Kahit pa balewala ang nararamdaman palala pa rin ng palala
Habang yung pag-asang mamahalin mo rin ay pawala na rin ng pawala
Kaya ngayon magtatanong na ko gusto ko nang maging klaro
Gusto ko na maging tayo sumagot ka mahal mo rin ba ko

Di ko alam kung bakit ganito
Ikaw parati ang laman ng puso ko
Di ko alam kung bakit nagtatanong
Nahihirapan ang isip at nalilito

Mahal mo rin ba ako?
Na na na…
Mahal mo rin ba ako?
Na na na…

Di ko alam kung bakit nagtatanong
Nahihirapan ang isip at nalilito

Mahal mo rin ba ako?

Facebook Comments