Ibang-iba ang ihip ng hangin
Sumasabay sa ‘king damdamin
Puso’y sabik nang manahan
Ngiting ikaw ang dahilan

Pero kahit anong saya
Lagi pa ring naalintana
Ang aking pag-alala
Hanggang kailan ‘tong ligaya
Lumapit ka’t sinabi na

Asahan mo ‘ko
Na laging nakaakbay sa’yo
Palawakin itong mundo
At tayo lang dito
Harapin ang buhay
Na hawak-hawak ang ‘yong kamay
Kahit na anong sablay
Pag-ibig natin ay

Magtatagumpay
Magtatagumpay

Sa oras na nangangapa
Sa mundong puno ng salita
Kapag pagod na lumuha
Hanap-hanap ang ligaya
Lumapit ka sa akin at

Asahan mo ‘ko
Na laging nakaakbay sa’yo
Palawaking itong mundo
At tayo lang dito
Harapin ang buhay
Na hawak-hawak ang ‘yong kamay
Kahit na anong sablay
Pag-ibig natin ay

Magtatagumpay
Magtatagumpay

Kahit hindi matapos-tapos ang gulo
Kahit malapit nang umabot sa dulo

Asahan mo ‘ko
Na laging nakaakbay sa’yo
Magkahawak mga kamay
Magtatagumpay

Asahan mo ‘ko
Na laging nakaakbay sa’yo
Palawakin itong mundo
At tayo lang dito
Harapin ang buhay
Na hawak-hawak ang ‘yong kamay
Kahit na anong sablay
Pag-ibig natin ay

Magtatagumpay
Magtatagumpay
Magtatagumpay