ALLMOsT_-_Miracle_Nights

[Clien & Kylix]
Basta sa akin ka sumama na
‘Di na ko maghahanap pa ng iba
Gabi gabi tayo mag sasaya
Sayang kasi pag nawala ka pa

‘Wag mong pansinin ang mga tumitingin
Sa ating dalawa (ating dalawa)

[GOODBOY]
Pinana na naman ni kupido
Mukha na namang akong stupido

Pero ngayo’y di na malilito
Lalong lalo na ikaw at ako’y
Nandito sa tabi ngayong gabi
Magkatitigan ang ating mga labi
At para bang merong sinasabi

Nag-uusap ating mga katawan
Parang gusto nila maging kawatan
At nakawin ang kamay ng orasan
Iwanan, iwasan problema sa daan

Pag mapungay mata mo
Lumalabas ang ganda mo
Pero anong akala mo
Hanggang dito lang ito

CHORUS

[Crakky]
Ako nang bahala baby wag ka ng mag-alala
Isipin natin na parang tayo lang dalawa
‘Wag mong tignan kung ano mang maging tingin nila
Tayo din naman ang magsasama diba kumbaga
Wala na ‘tong biro ikaw ang herong sumalo sa kada pagbaba ng negatibong
Naging dahilan ng matakpan mo ang mali ko ‘di ko palalampashin ang sandaling ikaw lang ay nandito sakin
Talagang lumilitaw ang yong ganda
Pagnatapatan ng ilaw ay mas lalong nakakadala kumapit ka saking kamay
‘Di kita ibababa sumakay tayo papunta sa balewala kung ano man ang ginagawa
Simple pero napakamahirap na mahanap
Swerte na kapag natapat ka sa pinapangarap
Sulitin natin ng ‘di na mawala pa ng maagap
Kung isang gabi lang din naman to pwedeng maganap ohh

CHORUS

[Russell]
Yuh!

Hayaan mo na sulitin natin ang
Mga sandali sa oras na hiram
Mahalaga sakin ang bawat pagsasama
Hindi na kailangan pa na may ibang makaalam
Gusto ko yung tipong laging may asaran
Puro tawanan at ngiti mo lang kailangan
Ikaw lang ang pipiliin ko na makasama
Hanggang sa likod ng mundo na makasalanan

‘Wag sana magmadali
Parehas lang natin na ayaw na magkamali
Pahintulutan mo naman ako na ikaw ay makatabi
‘Di na kailangang mabahala ‘di ko yan pagsasabi yeah

Yuh!

Wala nakong hiling pa
Kundi pagsaluhan ang gabi na tong bitin pa
Tayo lamang dalawa, sakin tumingin ka
Dito ka lang saking tabi, Ayokong umalis ka

[Peso Mercado]
Mabilis o mabagal halika dito saken babe wag kanang umangal
Hindi naman ako magmimistulang sagabal
Ipapangako kong maganda ang aking asal
Gusto ka lang namang makatabe
Kahit pa na sandali, kahit pa ano ang gawen
Napakalakas ng dating mo
Sana ngay gusto mo rin umaga hanggang gabihen
Ako lang at ikaw parin, ang galing no
Basta saakin ka sumama na kahit na ano pa saken ang gawin mo
‘Di na din ako maghahanap pa ng iba
Mga labi nalang lalaruin ko
Alam ko naman, na ‘di ka na rin bibitaw
Sa ating nasimulan, eto teka lang naman
‘Wag kang mahiya
Dahan-dahang gumalaw, pakihinaan ang sigaw
Bagalan natin ang bitaw

ALLMO$T MUSIC!!

CHORUS

[Kylix]
Parang may mga bagay na pumipigil sayo
Kitang kita ko kahit nakatingin ako sayo sa malayo

Pagbigyan ang katawan sa mga gustong maranasan
‘Wag nang pag isipan pa

Nandito lang kung sakaling you wanna be with somebody
Languyin daanan pauwi
Palalimin ang gabi

[Jom]
Oooh, Alam mo bang sa isang ngiti mo
Ay naaalis lahat ng pagod ko
Ikaw ang nag sisilbing sandalan ko kapag ako’y nahihirapan
Kaya di na ko bibitaw
Kasi ikaw lang ang kailangan
Pinupuno mo ng kulay ang mundo kong madilim
Hindi ko na sasayangin ang pag-ibig mo
‘Di ako mag lilihim
Kasi pinatunayan mo saakin na may pag ibig
Kaya wag kang mag tataka kung bakit mahigpit ang hawak ko

[Clien & Kylix- Chorus]
Basta sa akin ka sumama na
‘Di na ko maghahanap pa ng iba
Gabi gabi tayo magsasaya
Sayang kasi pag nawala ka pa

‘Wag mong pansinin ang mga tumitingin
Sa ating dalawa (ating dalawa)

Facebook Comments