save_palawan

Gloc-9 and Sesa Band – Save Palawan Movement Lyrics
Arrangement by Yeng Constantino and Acel Van Ommena

Lyrics by Robert Labayen
Performed by Gloc-9 and Sesa Band

Paraisong parihaba
Itont isla sa Silangan
Lupaing pinagpala
Kung tawagin siya’y, Palawan
Mga puno sa gubat
Mga bundok, hinahangaan
Tumutukod sa ulap
Tila hagdan sa kalangitan
Bawat butil ng buhangin
Tila perlas sa paningin
Sa ilalim ng araw ay
Nakangiti, nagniningning
Hardin siyang hinubog
Sa kamay ng Maykapal
sa pinsala nating dulot,
Hanggang kailan tatagal?

Imamasaker ang mga puno
Libu-libo ang s’yang mabubuwal
Huhukayin ang mga bundok
Hanggan ilalim makakalkal
Pilit dudukutin ang yaman
Na para bang wala ng hangganan
Mga pilak, tanso at bakal
Nakatiwangwang ay lupang tigang

Palawan…. Palawan….

Paraiso sa Silangan

Palawan…. Palawan….

Pugad ka ng kalikasan

Palawan…. Palawan….

Puri mo’y ipaglalaban

Palawan…. Palawan….

Ililigtas ko ang kinabukasan

Lupang hitik na hitik

Duyan ka ng binhi

Mga bunga sa kagubatan

Kabuhayan ng salinlahi

Mga isda’y nagsisiksikan

Sa lambat nagsasayawan

Mga ibong pagala gala

Ito ang tunay na kayamanan

Bawat butil ng buhangin

Tila perlas sa paningin

Sa ilalim ng araw ay

Nakangiti, nagnininging

Hardin siyang hinubog

Sa kamay ng Maykapal

Sa pinsala nating dulot,

Hanggang kailan tatagal?

Magkano nga ba ang dagat?
Saan ka makakabili ng batis?
Mauutang mo ba ang gubat?
Mayro’ng pabrika ba ang langit?
Sabihin mo sa nga sa akin kung
Meron bang pakinabang ang
Mga perang kikitain dito sa mga minahan
Kung habang buhay na gutom
At may mahabang tag-uhaw
Ang mga buhay baka malunod
Dito sa mga trahedyang aapaw
kung ang Islang dating luntian magiging kulay abo
Anglupang s’yang dating mayaman
Tuluyang magiging bato

Palawan…. Palawan….

Paraiso sa Silangan

Palawan…. Palawan….

Pugad ka ng kalikasan

Palawan…. Palawan….

Puri mo’y ipaglalaban

Palawan…. Palawan….

Ililigtas ko ang kinabukasan

Palawan…. Palawan….

Paraiso sa Silangan

Palawan…. Palawan….

Pugad ka ng kalikasan

Palawan…. Palawan….

Puri mo’y ipaglalaban

Palawan…. Palawan….

Ililigtas ko ang kinabukasan

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here