Napakadami ng ating pinagdaanan
Halos hindi na mabilang
Pero nandito pa rin tayo lumalaban
Patuloy pa rin tayo na lumalaban
Sa dilemma kahit na magkabilaan
Hindi mo ko iniwan nandyan ka pag kailangan ko
Sa tuwing nalulungkot
Kaya asahan mo na nandirito
Umaraw man o bumagyo
Ibibigay lahat sayo
Hangga’t sa makakaya ko
Basta huwag ka lang mawala mawala
Kasama ka kasama ka
Hanggang sa ating pagtanda

Nandito lang ako
Hindi na hahayaang pumatak ang luha sa mata
Nandito lang ako
Hindi na pababayaang muling mag-isa
Nandito lang ako
Kasama mo palagi kahit ano man ang mangyari
Hinding-hindi na mawawala ako’y nandito sayong tabi

Kahit wala akong liwanag na makita
Lalo na pag nandiyan ka
Alam kong di mo ko hahayaang mag-isa
Kaya ko binigay ang aking tiwala
Kasi kakaiba ang iyong pinakita
Hirap at ginhawa sa puso’t isipan mo
Di ako mawawala
Kaya asahan mo rin na di ako bibitaw at iwan ka
Kahit na magbago ka sa puso ko nag-iisa
Basta wag ka lang mawala
Kasama ka kasama ka
Hangga’t sa aking pagtanda, Honcho!

Huwag ka mag-alala kapag na sa’kin ka
Di ko ipapadama na alanganin
Desisyon sa akin na ako ang iyong pinili na yakapin tinangay ng hangin
Papunta sa kung saan nadatnan, sinadya talaga tayo magtitigan
Kahit di kilala ika’y pinuntahan hanggang sa ito na tayo nagkaigihan
Huwag ka mag-alala asahan mo rin na tayo talaga hanggang sa huli
Na makasamang tumanda hanggang sa di na ko makatayo
Ikaw pa rin sa diwa ko

Nandito lang ako
Hindi na hahayaang pumatak ang luha sa mata
Nandito lang ako
Hindi na pababayaang muling mag-isa
Nandito lang ako
Kasama mo palagi kahit ano man ang mangyari
Hinding-hindi na mawawala ako’y nandito sayong tabi

Hindi ko kayang mawala ka gusto kitang kasama
Ikaw ang nagbigay sakinng gana
Salamat hindi ka nagsawa na intindihin ako mahal kita
Huwag ka sakin maghihinala
Pasensya na kung minsan ako ay natatagalan
Atleast ginagawan ko ng paraan
Kasi wala akong masabi sa’king nararamdaman
Kapag kausap ka dibdib ko ay laging magaan
Naaalala mo pa ba yung mga sinabi mo sa’kin
Yung nag-away tayo halos ayaw mo kong kausapin
Wala akong magawa nung umuwi na lang sa amin
Naghintay baka sakaling pansinin at patawarin
Lahat ng yun alam ko na
Abot kita kaya lahat tinatanggap ko na
Hindi mo ba napupuna kahit galit ang nauna
Isang ngiti mo lang lahat lahat agad nabubura

Salamat dumating ka sakin sa taon na to
Salamat dumating sa pagkakataon na to
Salamat sa tiwala mo na sakin binigay
Salamat dahil ako’y tinanggap mo ng buo
Hanggang huli na to wala ng bawian
Andito lang ako kasi nandyan ka lang
Hindi ka nawala sa aking likuran
Di na kita papakawalan

Nandito lang ako
Hindi na hahayaang pumatak ang luha sa mata
Nandito lang ako
Hindi na pababayaang muling mag-isa
Nandito lang ako
Kasama mo palagi kahit ano man ang mangyari
Hinding-hindi na mawawala ako’y nandito sayong tabi
Nandito lang ako
Nandito lang ako
Nandito lang ako
Kasama mo palagi kahit ano man ang mangyari
Hinding-hindi na mawawala ako’y nandito sayong tabi