Halos tatlong bilyong tibok din ang binilang
Bigla na lang silang nagkulang
Lumalala sa pagtagal ng ating pagsasama
‘Di ko naman iniinda

Para ‘san pa ang mahabang buhay
Kung hindi ikaw ang kasama
Pinipili ng sarili kong dumaloy
Sana tayong sabay sa lahat

Sa wakas nandito ka na
Natakot pa ‘ko nung simula
Sa wakas kapiling ka na
Natakot pa ‘ko na mag-isa
Mundo kong malabo kinulayan mo

Paru-paro ‘wag ka munang humayo
Siguro’y ‘di sanay na wala ka
Dahil ngayon hinihintay ang umaga
Na dati’y hindi ko inaasahang makita

Sa wakas nandito ka na
Natakot pa ‘ko nung simula
Sa wakas kapiling ka na
Natakot pa ‘ko na mag-isa
Mundo kong malabo kinulayan mo

Sa wakas nandito ka na
Natakot pa ‘ko nung simula
Sa wakas kapiling ka na
Natakot pa ‘ko na mag-isa
Mundo kong malabo kinulayan mo