Ang hirap isipin
Ang hirap aminin
Hindi na alam ang gagawin
Kung babalik pa ba sa atin

Ngunit ayoko nang angkinin
Mga araw na kay dilim

Oras na para iwanan
Mga alaala ng nakaraan
Oras na para iwasan
Mga nakasanayan

Nahihirapan nang makagalaw
Oras na para bumitaw
Pangalawang bitaw

Ang hirap isipin
Masakit sa damdamin
Ang hirap tanggapin
Na wala ka na sa akin

Ngunit ayoko nang angkinin
Mga araw na kay dilim

Oras na para iwanan
Mga alaala ng nakaraan
Oras na para iwasan
Mga nakasanayan

Nahihirapan nang makagalaw
Oras na para bumitaw
Pangalawang bitaw

Sinubukan kong lumaban
Kahit magulo ang aking isipan
Natapos na ang laban
Nang hindi inaasahan ahhh…

Gulong gulo aking mundo
Utak ay litong lito
Pikit mata na lalayo
Nahihirapan na ako

Oras na para iwanan
Mga alaala ng nakaraan
Oras na para iwasan
Mga nakasanayan

Nahihirapan nang makagalaw
Oras na para bumitaw
Pangalawang bitaw