I.
Ito na’ng ating unang pahina,
ang hakbang sa pagiging isa
na panghabangbuhay

wag mangamba,
ang pagibig ang ating punla,
maykapal ang Siyang may akda,
sa’ting paglalalakbay

Pre Chorus:
balikan ating dahilan

Chorus:
pag nakalimutan na ating sayaw,
kumupas dating pagtingin,
at kung ang dulo ay natatanaw,
sumpaan ay gunitain,
tayo ay babalik,
babalik sa simula.

II.
kung dumating man
ang unos na dala ng ulan,
lagi mong pakatandaan,
yakap ko’y silungan

Pre:
balikan ating dahilan

Chorus:
pag nakalimutan na ating sayaw,
kumupas dating pagtingin,
at kung ang dulo ay natatanaw,
sumpaan ay gunitain,
tayo ay babalik,
babalik sa simula.

Bridge:
kung maliligaw, ikaw ang linaw
di ka bibitawan
sa unos o araw, dilim o bughaw,
ikaw ang sigaw

Chorus:
pag nakalimutan na ating sayaw,
kumupas dating pagtingin,
at kung ang dulo ay natatanaw,
sumpaan ay gunitain,
tayo ay babalik,
babalik sa simula.

Repeat Chorus