Kailangan ba
Makita ka bago masabi ko
Na mahal kita

Kailangan ba
Mahawakan muna ang mga kamay
Masabi mong tunay

Bakit ganito
Nabigla lang ba ako
‘Di ko matanto
Ba’t nawala tayo

‘Di na umabot ng pasko
Ang pag-ibig natin ba’t bigla na lang naglaho
‘Di man lang nagkita ang bilis mo namang mag-sawa
Sana umabot man lang ng pasko

Kumusta ka
Ilang araw na lang at magpapasko na
Baka pwede pa
Umabot hanggang bagong tao
Hayaan natin ang panahon na ang magsabi na wala talaga

Bakit ganito
Ang lamig ng pasko
‘Di ko matanto
Pangit ba ako

Di na umabot ng pasko
Ang pag-ibig natin ba’t bigla na lang naglaho
‘Di man lang nagkita ang bilis mo namang mag-sawa
Sana umabot man lang ng pasko

‘Di na umabot ng pasko
Yung ikaw at ako akala ko ay totoo
Punyetang social media
Eh, kung sana tayo’y nagkita
Baka umabot pa tayo ng pasko

Di na umabot ng pasko
Ang pag-ibig natin ba’t bigla na lang naglaho
‘Di man lang nagkita ang bilis mo namang mag-sawa
Sana umabot man lang ng pasko

Wilbert Ross - Di Na Umabot
Wilbert Ross – Di Na Umabot